Description
Vee is a 17 year old Senior High School student na kloseta at may dugong dark green, meaning intense na ang level ng kakikayan, kalandian at kapokpokan. Pero dahil sa relihiyoso at konserbatibong paniniwala ng kanyang pamilya ay natatakot siyang lumipad gamit ang kanyang mala-Mariposang pakpak. Maayos naman daw ang lahat ngunit may iisa lamang siyang hinihiling sa darating na kapaskuhan, iyon ay ang mapansin ng kanyang minamahal na si Eli. Si Eli na isang straight na lalaking matagal na niyang iniirog. Hanggang kailan niya kayang magtiis na itago ang kanyang bahagharing watawat? Hanggang kailan niya kayang magtago sa likod ng mga marurupok na pintuan ng kanyang kloseta? Matupad kaya ang kanyang panalangin ngayong kapaskuhan? Started: December 19, 2020
Nagmamagandang Nota
![](https://img.wattpad.com/cover/251785595-256-k307132.jpg)