Description
Itim na mga ulap ang bumalot sa Elionor nang subukin ng Polbre ang tibay ng paniniwala nila sa liwanag. Maging ang pinakamalakas nilang pinuno ay tila isang punong binunot ang ugat sa lupa nang sugurin sila ng itim na mananakop at ng pitong hari. Ngunit bago pa man maubos ang pag-asa, lima sa piling mga mag-aaral ng kanilang pinuno ang binigyan ng misyon upang hanapin ang kanilang tagapagligtas. At sa tulong ng mahiwagang bato, naglakbay sila sa hindi kilalang mundo mahanap lang ang nilalang na makasasagip sa Elionor. *** Catherine Miles, isang babaeng namuhay ng normal sa mundo ng mga tao. Anong gagawin niya kung bigla na lang kunin sa kaniya ang normal na pamumuhay ng mga nilalang na sinasabing siya raw ang tagapagligtas ng kanilang mundo? Matatanggap kaya niya ang responsibilidad na sagipin ang mundong hindi naman niya alam na naroroon pala, gayong ang gusto lang naman niya ay maibalik sa kaniya ang mga taong mahal niya?
PROLOGUE
