Description
[Completed] Hindi kailanman nanghimasok si Jordan sa buhay pag-ibig ng playboy niyang kaibigang si Andrew. Marami nang dumaang babae kay Andrew. Hindi niya naman ito kinukunsinti, pero hindi niya rin naman ito pinapaki-alamanan kaya naman labis na lang ang pagtataka niya sa kanyang sarili nang simulan niyang panghimasukan ang relasyon ni Andrew at bagong nobya nitong si Gianna. Iba si Gianna sa mga nakarelasyon na ni Andrew. Ito na nga yata ang pinakamatino sa lahat kaya naman hindi niya mapigilan ang mag-alala para sa babae. Kilala ni Jordan ang kaibigang si Andrew at alam niyang isa na naman lang ito sa mga paglalaruang babae ng kaibigan. Noong una ay naaawa lang siya kay Gianna, ngunit nang mas makilala niya ito ay hindi sinasadyang nahulog ang loob niya rito. Ano nga bang mas matimbang para kay Jordan? Ang pagkakaibigan nila ni Andrew o ang pagmamahal niya kay Gianna?