Description
*Compilation of my One Shot Stories *Color Coded Fantasy* Ilang porsiyento lang ba sa isang milyong pagkakataon ang posibilidad na iyong marating ang mundong hindi pamilyar sa mga mortal? Sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa ng isang kilalang pintor na makapasok sa mundo ng kaniyang mga iginuhit. Doon ay nakilala niya si Alice, ang isa sa obra na kaniyang pinakatatangi-tangi. #Para ito sa Mix and Match #Entry ko sa Romantic Fantasy. #Nag-champion, hehe *Bangungot* Ang kuwentong katatakutan, patungkol sa boarding house na hahantong sa nakapaninidig-balahibong bangungot na hinding-hindi mo na matatakasan. #Short Story para sa Write-a-thon Challenge #Its only 500 words. Basahin mo na. Malay mo, hindi ka na makatulog mamaya. #Nanalo rin daw ito, pero magulo, kasi lahat ng sampung sumali, nanalo. Ang gulo, 'di ba? Haha😂✌️ *Adelaine: AI Princess* Buong buhay ni Adelaine Gunther, inakala niyang siya'y anak ng mag-asawang namumuno ng First World Technology. Ngunit dahil sa isang system malfunction, natuklasan niyang ang lahat ng kaniyang nalalaman ay hindi totoo. #Prompt din ito para sa isang One Shot Story Contest na naudlot #Science Fiction/Envy *Silence in Nightmare* BWRC One Shot Contest Entry Song prompt: Silent Night Genre: Horror And I'm proud to say na hindi ito nanalo Hehe. Hindi raw nakakatakot eh. Hindi nararapat sa Christmas. Gusto ko pa namang gawan ito ng podcast or audiobook version eklavu. Wag na lang. Haha. But I love this story! *Nasa Puso pa ba Natin ang Pasko?* BWRC One Shot Contest Entry Song Prompt: Chrismas in our Hearts Genre: Non-Fiction Ako lang ang nangahas sa genre na yan. At nag-champion pa. Love this entry, also. Sana lang napaaga ang pasahan, para mas na-feel ng iba yong gusto kong ipahiwatig sa pinagsusulat ko sa akdang iyon. Ayun Yung ibang pages Bahala na😉