Description
Guilty Guilty Guilty Guilty Guilty... Paulit-ulit na umalingawngaw ng boses habang papalakas ito ng papalakas. "Ahhhhh!" Sigaw ni Lex Guevarra habang napabangon ito ng mabilis. Dito niya napansin na nakasuot siya ng kulay kahel na damit maging ang kanyang suot na pantalon. Halos mapalamukos niya ang kanyang sarili dulot ng kanyang kasalukuyang kalagayan. Akala niya ay panaginip ang lahat ngunit heto siya ngayon, nakakulong sa isang bilangguan. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman lalo na ng isiping paano na ang kanyang anak na si Daisy? Alam niyang hindi siya naging perpektong magulang rito lalo pa ngayon na nakakulong siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Halos hindi niya alam ang kanyang gagawin. Napuno ng negatibong emosyon at pag-iisip si Lex sa kanyang naging kapalaran. "Ito na ba ang parusa niyo sakin panginoon? Alam kong naging makasalanan ako at hindi naging perpektong anak, kapatid o magulang pero bakit naging ganito ang inabot ko? Humihingi ako ng pasensya sa aking nagawang kasalanan. Kasalanan po ba ang tumulong? Hindi ko na alam ang aking gagawin." Nagsusumamong panalangin ni Lex habang mayroong tumutulong mga patak ng luha sa kanyang pisngi. Maya-maya pa ay mahina itong humahagulgol hanggang sa lumalakas ito.