Description
Nang maisilang siya ay nagbunyi ang lahat dahil sa wakas ay magkakaroon na ng anak ang pinakamamahal nilang Datu. Kakatwa lamang na sa araw ng kaniyang kapanganakan ay ang siya ring paglitaw ni Bakunawa, ang pinaniniwalaang isang higanteng serpyenteng naninirahan sa karagatan na may hangaring kainin ang nag-iisang buwan. Naniniwala ang Punong Babaylan ng kanilang banwa na ang sanggol ay natatangi sapagkat nang isilang siya'y hindi ito tumangis bagkus ay mahimbing at kalmado itong natutulog lamang. Ano kaya ang kakatwa sa sanggol na ito? Mapapagtanto ba ng lahat na bukod sa siya'y maging isang binukot ay may iba pa siyang tungkuling gagampanan sa kanyang paglaki? Ano kaya ito? Mapagtatagumpayan ba niya ito? O sa huli'y tatalikuran niya ang tungkulin at mas pipiliing biguin ang lahat?
Author's Note
