PROMISE (On Going)
By Monina_15
99
16
14
  • Teen Fiction
  • bestfriend
  • cheating
  • childhoodmemories
  • enemiestolovers
  • friendship
  • humor
  • jealousy
  • necklace
  • promise
  • romance-friendship
  • schoolromance
  • secretadmirer
  • secretfeelings

Description

Patungkol ito sa dalawang magkaibigan na nagbitaw ng pangako sa isa't isa na magpapakasal sila kapag nagkita silang muli. Ngunit sa kasamaang palad ay pagkatapos ng pagbibitaw ng pangako nila sa isa't isa ay lumipat na ng bahay ang batang lalaki sa malayong lugar. Lumipas ang maraming taon at hindi na maalala ng lalaki ang pangalan ng babaeng iyon ngunit palaging gumugulo sa kaniyang isipan ang panaginip ng nakaraan. Ang nakaraan na pinagmulan ng unang pag-ibig at pangakong pagmamahalan na binitawan. Palagi niyang tinitingnan ang kwintas na susi na suot niya. Iyon lamang ang tanging susi na makapagbubukas sa sisidlan na puno ng kanilang nakatagong mahahalagang bagay na makakapagpaalala sa kanilang dalawa. Magpapaalala sa pangakong kanilang binitawan sa isa't isa. Subalit sa paglipas ng mahabang panahon ay mukhang mahihirapan siyang hanapin ang sagot sa kaniyang mga katanungan sapagkat hindi na niya matandaan ang pangalan at pagkakakilanlan ng babaeng kaniyang pinangakuan na papapakasalan niya. Ang mas malala pa doon ay nasa babaeng iyon ang sisidlan na kinakailangan niyang makuha. Kakayanin kaya niyang hanapin ang babaeng iyon o basta na lamang siyang susuko at humanap na lang ng iba para makalimutan ang nakaraan sapagkat ito lamang pangakong binitawaan noong sila ay musmos pa lamang?

PROLOGUE

Continue Reading on Wattpad
PROMISE (...
by Monina_15
99
16
14
Wattpad