Hi, Sir. I love you!
By Real_Aila
66
4
0
  • Romance
  • cheating
  • forbidden
  • forbiddenloveaffair
  • hate
  • love
  • lovestory
  • obsession
  • romance
  • student
  • teacher
  • teacherstudentrelationship
  • teacherxstudent

Description

"Aila, try mo kaya 'tong dating app na ito. May makikilala ka raw na koreano rito." singit ni Shendy habang nagtitingin-tingin ako ng damit sa online. Tinignan ko naman yung app na sinasabi n'ya, bale ido-double click mo lang yung picture tapos biglang may lalabas na heart yung parang tulad sa Instagram gano'n. "Hindi ba, na-double click mo na? So bale hihintayin mo na lang silang i-like back ka tapos pwede na kayo magchat. May mga naka-chat na nga ako kaso mga manyakis." natatawa n'yang sabi. "Eh ayoko na pala n'yan daming manyakis e." sabi ko. Mahirap na ano. "Hindi! Baliw 'to, 'di naman lahat ng nasa dating app na ito ay manyak. Tignan mo may mga bio sila rito kung ano ba gusto nila and so on. May mga matitino rin naman dito." Natatawa naman ako parang indorse na indorse s'ya sa ginagawa n'ya sa app. Napatingin naman ako sa relo ko, limang minuto na lang at kailangan na naming bumalik sa trabaho. *** Habang nag bo-browse ako sa facebook may nakaagaw sa 'kin ng pansin. "Ba't puro dating app 'tong mga ads na 'to?" "Eh baka naman kasi Kuya kailangan mo na maghanap ng jowa jusko naman 25 yrs old ka na oh." sabat ng kapatid ko. "Ewan ko sa 'yo. Ba't ka pa ba nandito? 'Di ba dapat nakina Papa ka na?" Tinawanan naman n'ya ako. "Ayoko muna kina Papa, maganda rito sa apartment mo. Dito muna ako habang hinahanapan kita ng jowa." Napakunot noo ako. "Hoy bata, tigil-tigilan mo nga ako!" "Nako naman Kuya, takot ka ba sa babae ha?" Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ng kwarto lintik yung bata yon.

PROLOGUE

Continue Reading on Wattpad
Hi, Sir...
by Real_Aila
66
4
0
Wattpad