Description
One time in her whole life. Eurich felt that feeling people write a novels about. Lahat ng sayang maaaring maramdaman niya, naiparamdam 'yon lahat ng isang ginoong talaga namang bumihag sa puso niyang noo'y walang kulay at timpla. Ang Ginoong nagsilbing payaso sa seryoso niyang mundo. Hindi perpekto. Pero parang perpekto. Relasyong hindi 'sing saya sa iba. Pero parang ganun na rin naman na. Hindi masiyadong romantiko. Pero seryoso. Pero sino nga namang makakapagsabi kung hanggang saan ang saya'ng idudulot nito? Kasi sa ilang minutong magkasama kayo... Maaaring maraming magbago. Bagay na pinakaiiwasan at ikinatatakot ng dalawang taong nasa loob nito. Ganiyan na talaga siguro ang cycle ng taong magkarelasyon. Magiging masaya sa umpisa.. Kikiligin sa pangalawa.. Magkakatampuhan sa kalagitnaan.. Magiging malungkot sa bahagyang unti-unti nang sinusukuan.. At iiyak sa dulong parte ng hangganan... Ang hiwalayan. May mang-iiwan... Subalit kapalit ng sakit... Ay 'yong panibagong buhay at pag-asang sasapit. May personalidad na mababago.. Subalit hindi ang nakaraang meron at pinagsaluhan niyong magkapareho. Maaaring makalimot ang panahon.. Pero hindi ang ala-alang hinadlangan ng pagkakataon. Mga ala-alang kahit pilit mo pang kalimutan.. Hindi mo na matatakasan.. Kasi gustuhin mo man o sa hindi... meron ng dahilan. #US 06.28.2020 @CUTESTinsane