Description
Isang tradisyon sa mga Dystopian ang lumahok sa makasaysayang Annual Dystopian Games kung saan kailangan mong maglaro para sa iyong buhay. Karamihan sa mga Dystopian tinuturing na isang karangalan ang mapasama ang kanilang angkan para lumahok sa paligsahan na ito dahil isang magandang kinabukasan ang naghihintay sa mananalo at makamit ang inaasam asam na titulo ng bawat distrito sa kaharian ng Dystopia. Karamihan man ay suportado ang larong ito ngunit para sa iba ang mapili para lumahok sa larong ito ay isang pasakit dahil buhay mo ang kapalit para makamit ang karangalan at magandang buhay kapag nanalo ka. Walang sinasanto ang larong ito. Patay kung patay. Battle of the Fearless. Kinakailangang manalo ka upang mailigtas mo ang iyong sarili at buong distrito na kinabibilangan mo dahil nasa iyong mga kamay nakasalalay ang kanilang kaligtasan at kinabukasan. Kaya kung mahina ka? Ngayon pa lang ihanda mo na ang iyong sarili sa napipinto mong kamatayan. Ako si Astra, mula sa District 11 at isa ako na representative ng aming distrito. I am ready to fight for my life and pride of my people. Once you are in, there is no turning back! Welcome to Annual Dystopian Hunger Games!