Description
Night howlers.. ano ngaba sila? Saan ngaba sila nabibilang? Iisa lang ba ang mundong kinabibilangan natin? Masasama ba sila? May tinatago ba silang kasamaan? O baka sila ay mabubuting nilalang Ang gabi at dilim ay kanilang kaibigan ngunit para saakin mas malalim pa ang kanilang pagkakakilanlan. --- Night Howlers sila yung mga nakakatakot at mababangis na nilalang.. lumabas tuwing gabi at nagtatago tuwing umaga.. may kakayahang mag-anyong tao upang matakasan ang takot sa silaw ng araw.. kinakatakutan at kinasusukaman.. ngunit sa kabilang banda sila ay may ginagampanang tungkulin at ito ay bantayan ang ilaw ng buwan. Kung wala sila, ang bawat gabi ay mas maitim.. ang mga ulap at bituin ay walang buhay kung wala ang sinag sa kabila ng dilim.. sa mundong ito tuwing gabi sila ay nakabantay upang mapanatili ang kislap at galak ng mga nilalang sa itaas ng langit , sila ang mga moonlight Archer na pinamumunuan ng isang Moonlight Queen sila ang nangangalaga sa ating buwan. Ang bawat night howler at moonlight archer ay nagbabantay sa banta ng pagsalakay ng mga Dark creepers na handang kunin ang ilaw ng buwan at tuluyang maging madalim at nakakatakot na gabi