Description
Taong 1917, isa si Francisco Rafael Magsalin, 19 taong gulang, sa mga Pilipinong napili upang ipaglaban ang bandila ng Amerika sa Unang Digmaang Pandaigdig (The Great War). Dahil sa responsibilidad na ito bilang sundalo ng mga puti, kinailangan niyang umalis patungong Europa at iwan ang lahat para sa digmaan. Kasama sa kaniyang mga iniwan ay ang kaniyang matagal na kasintahang si Mirasol Leonore Rivera. Pinutol ng digmaan ang kanilang pagmamahalan. Walang kasiguraduhan ang pagbalik ni Francisco sa piling ni Mirasol. Sa kabila no'n, piniling maghintay ng dalaga sa kaniyang irog. Naniniwala siyang walang digmaang makakapigil sa pagbabalik nito. Dalawang taon ang lumipas, bumalik nga si Francisco. Ngunit, hindi maitatanggi ang kaniyang mga naging pagbabago. Ito ay k'wento ng pagmamahalang susubukin ng tadhana. Ang kasaysayan ay maiiba at susunod sa pakiusap ng pagkakataon. Hanggang saan kayang maghari ng pag-ibig na minsang hinadlangan ng digmaan?