Description
Problema. Iyon kaagad ang sumagi sa isip ni Callie nang malamang buntis ang kakambal niyang si Hailey. Bukod sa hindi nito masabi kung sino ang tatay ay mahina ang puso nito, kaligtasan kaagad nito ang naisip niya. Gustuhin man niya itong sabunutan dahil sa taglay na kagagahan ay hindi na lang niya ginawa. Mas nakisimpatya siya para dito at sa batang dinadala nito. Pero hindi siya papayag. Hahanapin niya ang talipandas na nakabuntis dito. Sa pag-iimbestiga niya ay nalaman din niya kung sino ang nakadisgrasiya dito. Si Carter Hyun! Ang koreanong hilaw na may ari ng publishing na nangreject ng manuscript niya. Walang lakas ng loob ang kapatid niya na kumprontahin ito. Pero siya, meron! A sudden twist of fate happened...Namalayan na lang niya na magkasama na sila ni Carter at siya ang naging Mommy ng baby nito. Should she consider herself lucky dahil kahit instant mommy lang siya ay kasama naman niya ang pogi at very down to earth na si Carter Hyun? Magkakasama sila sa iisang bubong, mapipigilan niya kaya kung sakaling may pag-ibig na umusbong?