Description
Simple Lang si Mona. Hindi mo makikita sa hitsura niya ang pagiging matalino mayaman at sosyal. May malaking business ang kanyang pamilya sa America. Kung tutuusin Kaya niyang mabuhay ala prinsesa dahil sa yaman Ng kaniyang magulang. Subalit dahil ayaw niyang mamuhay sa mundong parang masalimuot na panaginip para sa kanya ay umuwi siya sa probinsya para mag aral Ng college. At Hindi sa pribadong unibersidad siya nag aaral kundi sa pumpublikong paaralan bilang schoolar. Subalit Kung anong ingat niyang Hindi matuklasan Ng iba ang tungkol sa pagkatao niya ay marami pa rin ang nagtatangka sa buhay niya. Buti na Lang at to the rescue Naman ang advance cadete na unang ngpatibok Ng puso niya. Siya si Mike gwapo matalino pero mahirap lang. Subalit dahil sa hirap Ng kanyang pamilya ay pinagbuti ang kanyang pag aaral upang makapasok sa University bilang schoolar. Kumuha siya Ng kursong BSPS at gusto niyang maging sundalo. Kaya pumaaok siya sa ROTC at sinubukang pataasin ang ranggo niya. Kaya naman sa pangalawang taon niya sa college ay siya na ang nangunguna sa mga Class A aspirants. Sa madaling salita siya ang right hand Ng commander na si Lieutenant Coronel Corpus. Subalit biglang magbabago ang dati tahimik niyang buhay Ng minsang magkaroon sila Ng formation at mapatapat siya sa mala anghel na ganda Ng isang babae. Tinutukso siya Ng karamihan na siya namang gustong gusto niya dahil sa pag ba blush Ng dalaga. Tumatak sa isip niya ang mahiyain nitong ngiti sabay namumula at nakayuko. Parang gustong gusto niya itong hawakan, yakapin at himasin ang malambot nitong buhok. Subalit may malaking sekreto pala ang babae na siyang magdudulot sa kanya sa kapahamakan. Maililigtas niya Kaya ito? Pano Naman Kong Hindi Naman talaga siya ang kailangan nito?