My Wife Is A Stripp...
By PhilKy002
12.8K
402
16
  • Random
  • betrayal
  • ceo
  • ceowife
  • faith
  • husband
  • lovestory
  • stripper
  • trust
  • violence
  • wattpad
  • wife

Description

Darleen Alcantara Sumuko, dalawamput apat na taong gulang pinanganak at lumaki sa Bulacan. Nagmula sa mahirap na pamilya, kaya pagkatapos ng high school ay sumabak na agad sa paghahanap buhay. Factory worker sa araw at nangangalakal naman ng basura sa gabi kasama ang tatlong nakababatang kapatid. Tumayong ama sa kanyang mga kapatid pagkatapos silang iwan ng tatay nila at naging katuwang sa paghahanap buhay ng sakitin niyang ina. Nagbakasakali si Darleen at sinubukan ang dating websites kung saan nakakakilala siya ng mga lalaking iba ang lahi, na nakikita niyang nagpapaahon sa hirap sa ibang mga babae na nakakapag asawa ng mga ito. Nikilala niya si Wilson Hopper, isang kwarenta anyos na Amerikano, naging madalas ang pag uusap nilang dalawa at binibigyan din siya nito ng pera kahit hindi siya humihingi. Pagkatapos ng limang buwang pag uusap ay inaya siya nitong magpakasal, kahit nag aalinlangan ay pumayag siya alang alang sa pamilya niya. Dinala agad siya ni Wilson sa bansa nito ilang buwan pagkatapos nilang magpakasal. Hindi alam ni Darleen kung ano ang mundong pinasok niya kasama si Wilson, hindi alam ni Darleen na iba ang mararanasan niya kasama si Wilson kaysa sa ipinangako nito sa kanya. Wala siyang mapagsabihan, wala siyang mapagsumbungan kundi ang sarili niya at ang diyos lamang. Isang babae na nagngangalang Maria Gomez ang tumulong sa kanya para makalabas sa impyernong pinaglagyan sa kanya ni Wilson. Si Maria din ang magpapasok sa kanya sa trabahong ni minsan sa buhay niya ay hindi niya naisip na magagawa niya. Ang trabahong malaki ang maitutulong sa kanyang pamilya. Ang trabahong magiging dahilan para makilala niya ang lalaking magpapatibok ng puso niya, peru hindi niya alam kung mamahalin ba siya pabalik dahil sa trabaho niya.

THE BEGINNING

Continue Reading on Wattpad
My Wife I...
by PhilKy002
12.8K
402
16
Wattpad