Sa Pagitan - Damgo...
By RicHoodie
2.1K
73
41
  • Paranormal
  • fiction
  • mystery
  • pinoy
  • supernatural
  • tagalog

Description

"Gising ka man o tulog, wala ka pa ring takas sa bangungot." Si Jared ay isa lamang normal na binatilyo na mahilig magpuyat at umupo sa harap ng kanyang computer buong magdamag. Kada uwi nya ng bahay galing sa paaralan ay diretso kaagad sya sa kanyang kwarto upang maglaro ng internet. Di nya alintana ang magiging epekto nito sa kanyang kalusugan at sa kanyang pangangatawan. Hanggang sa isang gabi ay nagbago ang lahat. Dala ng matinding pagod ay binangungot sya na muntikan na nyang ikamatay. Pinilit nyang baguhin ang kanyang nakagawian ngunit sa tuwing makikita nya ang keyboard ng kanyang computer ay nangangati na ang kanyang mga kamay. Di nya mapigilan kaya muli syang umupo sa harap nito at nagsimulang maglaro. Gaya ng inaasahan, bangungot ang kahahantungan. Ngunit paano kapag ang bangungot na ito ay maging riyalidad? Makukumbinsi pa ba nya ang kanyang sarili na panaginip lang ang lahat? Paano kung napagtanto nyang nabilanggo na sya ng tuluyan sa kanyang panaginip at hindi na sya makabalik sa mundong ating ginagalawan? Habang-buhay nalang ba syang magpapagala-gala sa mundong hindi nya alam? Sa mundong tahimik ngunit misteryoso -- anong mga mapanganib na mga nilalang at sitwasyon ang naghihintay sa kanya sa lugar na tinatawag na "Pagitan."

Prologue - "Subirse el muerto"

Continue Reading on Wattpad
Sa Pagita...
by RicHoodie
2.1K
73
41
Wattpad