SANAYSAY
By NobaisaRambit
146
5
1
  • Poetry
  • gamers

Description

Ina na gagawin ang lahat para sa anak, isasakripisyo ang buhay nila para sa lahat ng bagay sa anak. At Nagmamahal, nagpalaki, nagpapa-tawad sa mga mali mong nagawa, takbuhan sa oras ng kagipitan at walang sawang nag aalaga. Sadya sigurong hindi mapapalitan ng materyal na bagay ang pagmamahal ng isang Ina siya ang unang babae na aking inibig, bago ang iba.Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina. Nagiging doctor sa tuwing nasusugatan, nagiging guro para ikaw ay turuan, nagiging pulis para ikaw ay protektahan pero kadalasan buong araw mong katulong na para bang napapagod sa ginagawa nya. ay kailangan ng linisan. Ang isang ina ang siyang nagmamahal sayo ng hindi humihingi ng anumang kapalit basta ang hanggad lang nito ay ikaw ay mapabuti, siya ring nagpalaki sayo hanggang sa ikaw ay maging maayos, nagpapa-tawad sa mga mali mong nagawa, takbuhan sa oras ng iyong kagipitan at walang sawang nag aalaga sayo sa lahat ng oras. Sadya sigurong hindi mapapalitan ng materyal na bagay ang pagmamahal ng isang Ina. Ang ina ay ilaw ng tahanan, gumagabay sa kanyang mga anak, nagluluto, naghuhugas, naglalaba para sa kanyang pamilya. Bukod sa mga gawaing bahay, sila rin ang gumagabay sa kanilang mga anak upang magkaroon ng magandang asal at maging isang mabuting tao. Kung wala ang pagmamahal at alaga ng isang ina, kulang ang buhay ng isang bata. Sila ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa ating kinaroroonan. Sila ng nagbibigay sa atin ng ating mga kailangan. Kapag tayo ay nagkakamali, sila ang nagtuturo sa atin kung ano ang tama at mali. Ang bawat araw ng ating buhay ay nagiging makabuluhan dahil sa kanila. Kung susumahin, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi natin kayang matumbasan. Walang sino man ang kayang mapantayan ang alaga ng isang ina sa kanyang mga anak.Wag nating kalimutan na hindi lahat ng mga tao ay may nanay na nag-aalaga at kumakalinga sa kanila.

Ina

Continue Reading on Wattpad
SANAYSAY
by NobaisaRambit
146
5
1
Wattpad