Description
sakit sa ulo ng pamilya niya si cristine. at dahil nasagad na niya ang pasensya ng kanyang lola imelda ay nagpasya ang matanda na isalang siya sa extensive training ni john gutierrez- ang nerd na kababata nya. nabuo na sa isip ni cristine kung ano ang hitsura ni john kapag nakita niya ang binata, may malaking eyeglasses, sobrang ayos magdamit at sobrang inosente tignan. ngunit nagulat siya nang muli niya itong makita. kulang ang salitang "hot" para idescribe ito at dahil inis siya rito ay alam niya na sa sarili niya na hinding hindi siya magkakagusto rito. ngunit mukhang nagkamali si cristine. nang simulan ni john na lumapit sa kanya ay unti unting nagbago ang lahat nagpakita ito ng mga damdamin na nagpagulo sa kanyang sistema. at dahil sa mga ipinakita ng binata ay unti unti ring nagbago ang nararamdaman niya para kay john hanggang sa natutunan na nya itong mahalin. ngunit naglahong parang bula ang kasiyahang maramdaman ni cristine sa pagamin ni john na mahal siya nito. nalaman rin kasi nya na kasabwat pala ng lola imelda niya si john sa pagpapaibig sa kanya.