Description
Si Mystika Flores ay isang bunga ng pagkakamali. Malayo ang loob niya sa kaniyang mga magulang. Ni minsan ay hindi sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil itinuturing niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagkabuhay bilang isang pagkakamali na hindi dapat nangyari. Si Mystika ang tipo ng tao na hindi mo gaanong mapapansin dahil palagi lamang siyang mag-isa sa isang sulok at hindi gaanong nagsasalita. Wala rin siyang kaibigan at kailanma'y hindi niya binalak na magkaroon. Mula pagkabata ay walang ibang ginusto si Mystika kundi ang maranasan ang maging masaya. At araw-araw niyang tinatanong sa kaniyang sarili kung paano niya ito makakamtan. Kaya naman ay hahanapan niya ng kasagutan ang sarili niyang katanungan upang sa gayon ay magawa niyang maging masaya kahit panandalian lang... ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Paano Ba Maging Masaya?" Tanong na hahanapan natin ng kasagutan sa kwento ng isang babaeng panandalian lamang ang nararamdamang kasiyahan. All Rights Reserved. Copyrights ©Thartzo9