HULM
By AncientPhilosopherV
186
21
1
  • Fantasy
  • completed
  • different
  • fantasy-romance
  • lovestory
  • shortchapters
  • shortstory

Description

Pag-ibig ang pinakamakapangyarihang bagay dito sa daigdig. Maraming tao ang sumaya, nalungkot, nagtanim ng galit, namatay, pumatay, natukso, at nagbuwis ng buhay para rito. Pero bago ko simulan ang kwento, mag-iiwan muna ako ng mga katanungang dapat mong sagutin sa sarili mo: Para sa iyo, ano ba ang pag-ibig? Ano ba ang handa mong gawin para sa pag-ibig? Handa ka bang talikuran ang lahat para sa pag-ibig? Ipaglalaban mo parin ba ang iyong minamahal kahit na alam mong ito ay mali? Kung ako ang tatanungin, para saaakin ang pag-ibig ay isang sakripisyo. Kung ikaw ay umiibig ay handa ka dapat gumawa ng mga bagay na kailan man ay hindi mo pa nagagawa. Kung ikaw ay umiibig, handa ka dapat sumugal, handa ka dapat na talikuran ang lahat masunod lamang ang isinisigaw ng iyong puso. Kung ikaw ay umiibig, magiging tama ang mali at makagagawa ka ng mali na inaakala mong tama. Nasabi ko na ang aking pananaw tungkol sa makapangyarihang pag-ibig. Nararapat lamang na simulan ko na ang aking kwento. Ako si Ernesto, isang grade 12 student na nagpasyang tahakin ang HUMSS strand. Malamang ay iniisip ninyo na ang dami kong alam tungkol sa pag-ibig. Sa katunayan, marami na nga akong karanasan sa pag-ibig. Mayroon bang maniniwala kung sasabihin kong nagkaroon na ko ng higit sa sampung kasintahan? Marahil ay walang maniniwala ngunit iyon ay totoo. Alam ko na maraming nagsasabing babaero ako. Oo, inaamin ko iyon. Wala pa akong sineseryosong babae. Gusto ko lang makipaglaro sa kanila, kumbaga ay pampalipas oras lang. Mali man sa paningin ng iba pero ito ako, ipinapakita ko sa lahat kung sino ako at ayaw kong maging mapagkunwari. Sa kabila ng lahat, naranasan ko paring umibig ng totoo. At nagsimula iyon noong makita ko siya.

Dedikasyon

Continue Reading on Wattpad
HULM
by AncientPhilosopherV
186
21
1
Wattpad