Description
Romina IƱara R. Villaraza - the good girl, the idol. Everybody loved her. Everybody wanted her close. Ideal, almost perfect. But despite everything, hindi siya ganoon kasaya. Sabi nga nila, minsan ang pagpapakatotoo sa sarili ay isang malaking kabayaran. And she couldn't agree more. She ached for freedom but she was damn afraid to gamble. Sa tuwing sinusubukan niyang kumawala sa kadenang patuloy na kinukulong ang kalayaan niya, humihigpit iyon at sinasaktan siya. Siguro, ito ang kapalaran niya: ang magtago. Ang mag-isip kung paano nga kung matapang lamang siya. For a time, kinuntento niya ang sarili sa pagpanggap na okay ang lahat. Pero nang makialam na ang traydor niyang bestfriend - Markus Lancelot M. Javier - everything went downhill for her. Since they separated ways and treated each other like they were never a confidant of one another, Markus seemed like he dedicated himself to piss her off. And she hated it. So much. They were buddies. Now, they were nothing but enemies. But who the hell was she kidding? She was done hoping for them to reconcile. If he wanted a fight, pagbibigyan niya ito. Hindi niya alam kung paano nagsimula. Wala siyang ideya kung bakit biglang ganito. Kilala niya kung sino siya. But what did just happen? Bakit ganitong bigla na lang siyang nalilito? Bakit biglang ang ideyang pakakawalan niya ang kakaibang nararamdaman para rito para sa pangarap niya ay nakakalungkot at nakakapanghinayang?