Description
Si Manuel ay isang engineer na matagal ng nagtatrabaho sa ibang bansa. Naisipan nyang bumalik sa Pilipinas upang gunitain ang nakaraam ng kanyang buhay noon. Matagal na syang balo sampung taon na ang nakararaan at wala na syang alalahanin sa buhay dahil nakapagtapos na ng kolehiyo ang nag iisa nyang anak na babae at kasalukuyan na ring nagtatarabaho sa US. Sa kanyang pagbabalik ay napagpasyahan nyang manatili na lamang sa Pilipinas bilang paghahanda na rin sa kanyang pagreretiro. Malaki rin ang kanyang naipong dolyar kasama na rito ang separation pay ng dalawang dekada nyang paninilbihan sa kompanya ng mga Italyanong gumagawa ng mga offshore vessel platforms na ginagamit sa pagmimina ng langis. Nag invest si Manuel ng mga panimulang negosyo upang hindi maubos ang kanyang ipon dahil isang dekada pa upang siya ay tumanggap ng pension ngunit di niya rin ito dapat asahan dahil maliit lamang ito kumpara sa kanyang naging sweldo noong sya ay hindi pa nagreresign sa kompanya. Sa kanyang pananatili sa Pilipinas ay nakita nya ring muli ang matagal nang hindi nakikitang mga kababata at mga kaklase sa High School sa isang get together na kanilang binuo. Doon magbabalik ang mga nakaraang alaala ng kanyang kabataan at mga pinagdaanan sa buhay. Dito makilala nya ang magpapatibok muli ng kanyang puso at magbibigay sigla sa kanyang malungkot at solong pamumuhay. Kung sinuman ang babaeng iyon ay inyong tunghayan sa istoryang ito. Pinaalalahanan ng may akda na ang istoryang ito ay may temang lengguwahe, sekswal na di angkop sa mga menor de edad na mambabasa. Ang pagkakahawig ng istorya na ito sa tunay na buhay ay hindi sinasadya dahil ito ay isang kathang isip laman at maaaring nagkataon lamang. Hinihikayat ng may akda ang mga mambabasa na inyo po sanang I-share sa inyong mga kakilala at kaibigan at pagbotohan po ninyo ng star upang lalong magsumigasig sa paglikha ng bagong istorya ang may akda. Magustuhan po nawa ninyo ang nakapananabik na istoryang ito. All rights reserved.