Description
Hindi ko alam. Sobrang gulo na ng lahat. Ang sakit sa ulong isipin. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo Natatakot akong ipagdugtong dugtong ang bawat piraso dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan. Walang misteryo ang hindi nalulutas... Walang sikreto ang hindi mabubunyag... Lahat ng simula may katapusan... Isang araw.. Pagdilat ko sa aking mga mata at nagpaling linga.. Nagising ako sa isang kakaibang mundo.. Sa isang mundong ako mismo ang bumuo.. At ang magiging puno't dulo.. May limang magkakaibigan. Hindi sila yung typical na mga studyante dahil sobra sobra ang talinong kanilang taglay. Labis na talino na magpapahirap sa kanilang buhay. Hindi sila mayayaman at mga ordinaryong mga babae lang na pumapasok sa school araw -araw. Binubully sila dahil marami ang naiinggit sa kanilang katalinuhan. Grabe ang pambubully sakanila na umabot pa sa puntong gumawa sila ng istorya na sila ang bida. Nagpatuloy lang ang kanilang buhay hanggang sa isang araw nagising sila sa isang napakandang panaginip na ayaw na nilang gumising pa. Mangyayari sa mundong yun ang naisulat ng manunulat. Bawat pangyayari bawat salita lahat ay magaganap. Meron kaya silang magagawa kung ang kahahantungan ng istoryang yun ay isang trahedya na magpapabago ng buhay nila? Makakaalis pa kaya sila? Kaya ba nilang baguhin ang nakasulat sa istorya? JHARA UNIVERSITY: The Author's Fiction