Description
Ang Ikalawang Yugto "Martyr Wife". Sa pangalawang pagkakataon, muling matatagpuan ni Daisy ang dati niyang manliligaw. Ngunit napagtanto niyang napakalaki ng distansya nila sa isa't isa, sapagkat isa na itong professional professor sa Australia. Isa pa ay iniisip niya ang kondisyon ng kaniyang anak na si Samantha, hiwalay kasi siya sa asawa, kaya mag-isa lang niyang itinaguyod ang kaniyang dalawang anak dahil sa asawa niyang nambabae at iniwan silang mag-iina. Ngunit bumalik ito at nagpupumilit na makapasok ulit sa buhay niya, pero nararamdaman naman niyang pera lang ang habol nito sa kaniya, kaya hindi niya maatim na tanggapin muli ito sa buhay niya. Umuwi si Angelo sa Pilipinas upang bisitahin ang kaniyang mga magulang na ngayon ay masasakitin na. At dahil na rin sa hiling ng mga magulang ni Angelo na mag-asawa na ito'y napipilitan tuloy itong maghanap ng girlfriend na ipapakilala niya sa kaniyang magulang. Ngunit paano naman makakahanap ng ipapakilalang girlfriend si Angelo, kung ang nais niyang babae ay ang babaeng may kinakatakutan sa kaniyang nakaraan? Mapipigilan pa kaya ang pag-ibig na naudlot kung ang puso na ang siyang nagsusumigaw? Ipaglalaban na kaya ni Angelo ang pagmamahal niya, sa babaeng matagal na niyang pinalaya? O si Daisy na ang gagawa ng paraan upang makaalis siya sa madilim na kahapon? Tunghayan ang mga rebelasyon na darating sa buhay ni Daisy.