UNLOVE ME by RICA B...
By RicaBlancaPHR
13.6K
311
21
  • Romance
  • chances
  • death
  • life
  • lifeanddeath
  • phrnovels
  • preciousheartsromances
  • ricablanca
  • romance
  • sunflowers
  • sunset
  • unloveme

Description

Nais tuparin ni Hannah ang hiling ni Lola Concha, iyon ay bawiin ang dating lupain. Sa takot na baka tumawid na ito sa puting liwanag at sumama na sa kaniyang Lolo ay napilitang pumunta ng Albay ang dalaga kahit na hindi pa sapat ang dala niyang pera upang bilhin iyon. Hindi pa man siya nakakarating sa pupuntahan ay nagkanda-letse-letse na ang lakad niya nang makilala sa daan at tulungan ang isang lalaking inakala niyang magpapakamatay. Cats and dogs-iyon ang tulad nilang dalawa pero wala silang ibang choice kundi makasama ang isa't isa matapos nilang makaengkuwentro ang isang notorious gang sa lugar na iyon. Hindi alam ni Hannah na ang masungit na lalaking nakasama buong gabi ay si Phrexus Montefolka, ang kaisa-isang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Buenavista-ang siyang pakay niya sa pagpunta doon. Hindi nito ipinagbibili ang lupain kaya pabalik-balik siya doon upang kumbinsihin ito. Hanggang sa nalaman niya ang pinakatago-tagong sikreto ng binata-he was dying. Ginamit ni Hannah ang sakit nito, she blackmailed him kaya napilitan itong ibigay sa kaniya ang lupain pero may kondisyon-she will help him prepare for his burial at kasunduan na walang sinuman ang dapat na makaalam tungkol sa sakit nito. Bagaman labag sa kaniyang loob ay pumayag na rin ang dalaga. Hanggang sa unti-unti na siyang tinatraydor ng kaniyang puso, nagugustuhan na niya ang ideya na makasama si Phrexus habang-buhay. Isipin palang niya na mamamatay ito ay hindi na maipaliwanag na sakit ang kaniyang nararamdaman. Ngunit paano pa magkakaroon ng happy ending ang storya nilang dalawa kung tanggap na ng binata ang kamatayan nito?

CHAPTER 1

Continue Reading on Wattpad
UNLOVE ME...
by RicaBlancaPHR
13.6K
311
21
Wattpad