Description
Si Lia isang babaeng may busilak na puso pero sa kasamaang palad kung gaano kabusilak ang puso niya ay siya namang ikina-sama ng itsura niya. Ubod ng itim ang kaniyang balat at puno ito ng puting batik. Sa madaling salita pangit siya. At dahil iyon sa isang sumpa na lingid sa kanyang kaalaman. Ganoon pa man sinisikap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang balang-araw ay maiahon niya ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Pero sa isang iglap nanganib na hindi na matuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos dahil natanggal sa trabaho ang kanyang ama pero sa kabutihang palad ay tinulungan sila ng kanyang tiyahin. Inampon si Lia ng kanyang tiya upang pag-aralin sa CVUST. Sa CVUST niya nakilala si Lance ang lalaking magpapahirap sa kanyang buhay! Masama ang ugali ni Lance. Wala siyang konsiderasyon sa ibang tao at mahilig mang-bully. Paano na ngayon ang kapalaran ni Lia sa CVUST? Bukod sa mga taong matapobre doon ay nandiyan pa si Lance na tila tinik sa kanyang dibdib! Sa tingin ninyo paano malalagpasan ni Lia ang mga pagpapahirap sa kanya ni Lance?