My Infinite Love
By confusegirl05
13
2
0
  • Fanfiction

Description

"Mabuti siguro itigil na natin ito," seryosong sabi ni Sebastian sa kasintahang si Rodolpo "B-bakit?" naluluhang tanong ni Rodolpo habang pilit na hinuhuli ang tingin ng nobyo. Nang matapos kasi nitong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon bigla itong umiwas ng tingin. "N-nagsasawa na ako sa ginagawa nating pagtatago sa ating relasyon. Saka gusto ko na ring magkaroon ng normal na relasyon. Sa p-piling ng isang b-ba...babae," Nang mapatingin siya sa nobyo. Nakita niya ang luha sa mga mata nito. Nais niya sanang bawiin ang kanyang sinabi ngunit alam niyang may nakamasid sa kanila. Kaya naman kahit masakit sa kanyang puso ang ginawang pananakit sa nobyo ay kailangan niyang tiisin upang hindi ito mapahamak. Dahil nabuhay sila sa panahon kung saan ang kanilang pagmamahalan ay mahigpit na ipinagbabawal ng lipunang kanilang ginagalawan. "P-pero Sebastian, mahal na mahal kita, alam mo namang ikaw ang buhay ko." Nasasaktan na siyang nakikitang umiiyak ang minamahal ngunit kailangan niyang ituloy ito. Handa siyang isugal ang kanyang kalayaan mabuhay lang ang taong nag iisa niyang minamahal. Mabigat man sa puso niyang makita ang pag iyak at pagtawag nito sa kanya. Nagsimula na siyang lumakad palayo...palayo sa taong nagsilbi na rin niyang buhay. Angel's Note: This is a Meanie fanfiction na Historical ang datingan. Ang setting po nito ay during Spanish Era dito sa Pilipinas kaya may mga nakakanosebleed na Tagalog.

Chapter 1: Lost Love

Continue Reading on Wattpad
My Infini...
by confusegirl05
13
2
0
Wattpad