Description
R-18. EROTIC ROMANCE. REPOSTED Published by Bookware Publishing. TRIGGER WARNING: mention of rape and sexual assault. --- Kinasuklaman ni Quin ang sarili matapos ang ginawa niyang karahasan kay Jacinda noong mga bata pa sila. Nang muli silang magkita matapos ang sampung taon dahil kailangan niya ng tulong ng ngayon ay NBI agent nang si Jax, alam niyang hindi pa rin siya nito napapatawad. Siniguro na lamang niyang lalayo siya rito at bibigyan ito ng sapat na kalayaan na gawin ang trabaho nito na hindi siya nakikita o nakakasalamuha. Pero habang unti-unting napagtatagpi-tagpi ni Jax ang mga ebidensya sa kung sino ang nagbabalak manira sa Club Obsidian na pag-aari ni Quin, unti-unti rin pala nitong nilulutas ang palaisipan tungkol sa pagkatao niya at sa kung ano ang totoong nangyari sa pagitan nila sampung taon na ang nakalilipas. Kung sana lang ay maging sapat na iyon para muli siya nitong mahalin dahil alam niyang hindi nagbago ang pagtingin niya rito kailanman. At na sa huli ay mapatawad na rin siya nito, at na mapatawad na rin niya ang sarili niya. --- To be published by Bookware.