Mr. Black Sheep Liv...
By TicklingThoughts
111
3
0
  • Romance
  • black-sheep

Description

Nakapasa sa isang respetadong unibersidad si Gemma. Pagkapunta niya sa isang convenience store para kumain, naholdap siya. Muntikan na siyang natamaan ng pellet gun('wag niyong i-underestimate ang pellet gun, masakit din yun kapag natamaan kayo), pero buti na lang niligtas siya ng isang gwapong nilalang na katabi niya sa table. Kaya nung nagpasalamat siya kay knight in shining armor na si Troy, nalaman niyang homeless pala 'tong tagapagligtas niya. Galing pala si Troy sa isang mayaman na pamilya, pero pinalayas siya sa mansion dahil sa pagiging black sheep niya sa pamilya. Kaya tutal nailigtas naman niya si Gemma(kahit pipitsuging holdaper lang naman ang nagholdap sa kanila), nanghihingi siya ng kapalit - ang patirahin siya sa dormitoryo nito. 'Nung una ayaw maniwala 'tong si Gemma, 'di dahil sa nagpapakipot siya sa gwapong nilalang na ito. Marami na kasing manggagantsong na kumalat sa buong mundo, kaya paano siya magtitiwala kay Troy? Pero sa kinalaunan, napatira naman niya ito sa dorm kasi naaawa siya kay Troy na palaboy-laboy lang pala 'to sa kalsada. Dahil sa kakulangan ng pera, kailangan niyang maghanap ng part-time job. At may nakilala siyang isang kyut na nilalang sa school na isa palang manager sa kilalang coffee shop. Kaya niyaya niya si Gemma para magtrabaho 'dun. Pumayag kaagad si Gemma sa alok ni Trevor at nagsimula na siyang magtrabaho. At sa hindi inaasahang pangyayari, maiinlove siya sa dalawang lalaki na darating sa kanyang buhay. Syempre, mapapaibig rin ang dalawang binatilyo sa kanya. Pero sino ang pipiliin niya? Sabi ng iba, syempre si Troy daw. Halata naman daw sa title. Sabi naman ng iba, si Trevor dahil 'di naman daw lahat ng naunang lalaki na darating sa buhay ng isang babae ay makakatuluyan na kaagad sa bandang huli. So sino ang choice niyo? Ako wala pa. P.S: Ako ang gumawa ng cover! : )

Prologue

Continue Reading on Wattpad
Mr. Black...
by TicklingThoughts
111
3
0
Wattpad