Something stupid li...
By aantokantukin
258
0
0
  • Teen Fiction
  • bromance
  • yaoianime

Description

“Pag sinabi kong pumasok ka sa kotse, papasok ka!” nag-uumpisa na naman sya sa makipag-away sa akin. “Bakit ba? Hindi mo ba kayang makauwi ng wala ako?!” pabulyaw kong sinasabi sa kanya dahil nahihiya ako kasi nagtitinginan na ang mga kasama ko. “Pano ako kakain?” nakayuko sya at nakatingin sa kawalan. Para syang batang pinapagalitan ng magulang nya. “Nasa ref yung pagkain. Pindutin mo lang yung microwave oven at iset mo ng 2 minutes. Voila! May pagkain kana.” Sarcastic kong sinabi sa kanya. Kanina pang naghihintay ang mga kaibigan ko. Kailangan ko ng umalis. “Ayokong gawin yan! Gusto ko bagong luto.” Ngayon naman nakabusangot sya. Anak ng tekwa naman talaga. Napapakamot ako sa ulo kapag kausap tong topakin na to. Mahirap bang gawin yun? Bat di na lang sya magluto. Sa pagkakaalam ko hindi nya ako katulong. “Ang kulit kulit mo naman eh. ‘Dyan kana nga! Bye” Ang layo ng lalakarin ko. Ang layo na ng napuntahan ng mga kaibigan ko. Nasa terminal na sila ng bus. Kailangan ko ng pumunta dun. Bahala na nga tong taong to. “Isa” hay nako! Yan na naman si bilang, as if uubra sa akin. “Dalawa” sabi ko habang naglalakad papuntang terminal “TATLO!” “Uy bitawan mo nga ako! Napagusapan na natin to diba na may lakad ako ngayon?!” buhat buhat na nya ako papunta sa kotse nya. “MAUNA NA LANG DAW PO KAYO SABI NYA. SUSUNOD NA LANG DAW SYA!!” “Eh? may sinabi ba akong ganun?!” sumakay na tuloy ang mga kaibigan ko. Waahhh nakakainis, papaano ako makakahabol nito? “wala! Uuwi na tayo!” ngiting tagumpay si topak habang buhat buhat nya ako. “ARRRGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHH!! BWISIT KA!!!”

Prologue

Continue Reading on Wattpad
Something...
by aantokantukin
258
0
0
Wattpad