Description
First day of school. sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bago ring nangyayari sa isang estudyante. Ngunit para sa isang grade 12 student, isa lamang itong normal na araw. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, may pumasok sa kanilang classroom na transfer student at kasabay noon ang maraming pagbabago sa kaniyang buhay estudyante. Isang Kayla Walker na mataray at mala-machine gun ang bibig ay iibig sa dalawang babae sa buhay niya. Okay naman ang lahat noong una pero nagbago iyon dahil sa isang pangyayari. Sino kaya ang pipiliin niya? Ang kaniyang best friend na may matagal ng lihim na pagtingin sa kaniya o ang transfer student na magiging mitsa nang matinding confusion sa totoo niyang nararamdaman? Paano niya kaya iyon malalampasan? sino nga ba ang pinili niya? O, may pipiliin ba siya? Jusko! Tara na't subaybayan ang kaniyang buhay pag-ibig.