Description
1st year high school si Daphne Autumn Ponteverde nang lumipat ito sa CEU o Carlen Eastern University. Kakabalik lang kasi ng kanyang pamilya sa Pilipinas matapos manirahan sa United States dahil sa kanilang negosyo. Doon na sya ipinanganak at lumaki sa states kaya hirap syang magtagalog. At dahil doon, si Elliot ang naatasan ng teacher nila para tulungan syang matuto ng tagalog. At simula noon ay naging matalik na mag-kaibigan sila. Wala silang sekretong inililihim sa isa’t-isa kaya laking gulat na lamang niya nang malamang bakla pala ito. Naki-usap ito sa kanya na huwag ipag-kakalat sa campus ang kasarian niya dahil ito ang tinaguriang “Prince Charming” ng school nila. Pumayag naman si Autumn dahil ayaw niyang ipahiya ang kaibigan. Pero bakit kung kelan nalaman na niya ang tunay nitong kasarian ay saka sya nakaramdam ng kaka-ibang sensasyon na ngayon lang niya naramdaman?