Description
Sa mundong ating ginagalawan, may mga basehan tayo sa lahat ng bagay. Mga basehan na pilit nalang nating pinapaniwalaan dahil iyon ang gusto natin, iyon ang sinisigaw ng isip at puso natin. Kagaya na lamang ng katanungan na: Ano ba ang basehan para masabi mong mahal ka ng isang tao? Dahil sa kanyang mga kilos? Mga gawa? O dahil sa kanyang mga salita? We ought to believe what we wanted to believe. Dahil doon, hindi natin nabibigyan ang sarili natin ng tiyansa upang kilatisin muna ang lahat ng bagay bago tayo maniwala dahil minsan, nagiging hindi makatarungan sa iba. Kasiyahan ang pinaka-importante sa atin, oo. Ngunit, ano nga ba ang basehan natin upang masabi natin na tayo ay talagang masaya? Na ang ibang tao ay masaya? Dahil sa ipinapakita nila sa panglabas na anyo? Partikular na ang mukha? Dahil sa mga salita na inilalabas lamang ng bunganga? How about the words that the eyes wants to convey? How about the words that the heart wants to be hear out? Will they remain unspoken and unheard forever? Or will they be heard and embraced, finally?