Description
"Sanay na akong mag imbento ng kwento. Naging talent ko na nga ang pagsisinungaling. Nung una akala ko, madaling magpanggap bilang kambal ko. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magpanggap kasi kasabay ng pagpapanggap ko bilang ibang tao ay ang pagpapanggap na hindi ko siya mahal." Tatlong taon siyang nawala. At sa pagbabalik niya sa bansa, isa lang ang misyon niya; ang panatilihing sikreto ang totoong pagkatao niya. Pero hanggang kelan ba niya maitatago ang sikreto niya? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para ma-protektahan ang pangalan ng pamilya niya? Sa oras na may makaalam na ng tinatago niya, aamin ba siya o gagawa ng panibagong kasinungalingan para mapagtakpan ang mga itinatago niya? At sa huli, magkakaroon ba siya ng sapat na lakas ng loob para ipaglaban ang taong mahal niya kahit pa ang kapalit nito ay ang pagkasira ng misyon niya? Sherica Atienza is her real name. And this is why and how she became known as "The Angelic Liar". A/N: On-Hold muna until March. Pasensya na. Focus muna sa studies.^^