Description
Si Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding sense of humor. Nakipaghiwalay sa kanya ang ex-boyfriend nya na si James Brian Montemayor. Masyado syang nasaktan sa mga pangyayari. Ngunit nagbago ang lahat nung nakilala nya si Kyle Gerald Fajardo, ang arogante, bipolar, hambog, at parang gangster na apo ng may-ari ng school nila. Pero, paano kung ang lalakeng inakala nyang magpapabago sa kanyang pananaw at makakapagpatakbo muli sa puso nya, eh yun din naman pala ang makakapatay nito ng lubusan? Paano kung merong darating na malabong sitwasyon. At pareho sila ng naisipang desisyon? Mamahalin pa kaya ni Hannah ang taong nagpapabwisit sa buhay nya? O masasaktan lang sya dahil unti-unti nang nagkakatotoo ang pagpapanggap nila? At alam nyang hindi pwedeng maging silang dalawa? Paano yun? Tunghayan ninyo ang kwento nina Hannah at Kyle.....