Description
Siya si Nurene Louise Marguerite Thitalia, isang babaeng ipinanganak sa isang mayamang pamilya. Sa loob ng maraming taon, lahat ng pagdedesisyon para sa kanyang sarili ay nakadepende sa isang tao. Dahil sa kagustuhan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa, lahat ay kakayanin niyang gawin mapatunayan lang sa kanyang Lolo na kayang kaya niya ang sarili niya at kaya niyang magpaka-Independent Woman, Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa oras ng tumuntong ang paa niya sa labas ng puder ng kanyang Lolo, isang malaking misyon ang naghihintay sa kanyang pagdating. Tuluyang magbabago ang lahat nang magising siya sa hindi pamilyar na kwarto. Dahil dito, pakiramdam niya tuloy ay nagkaroon siya ng instant amnesia kahit alam niya naman ang 18-year-history ng buong buhay niya, kahit nga mga katangahang ginawa niya sa buhay ay fresh na fresh pa sa utak niya. Sa paghahanap ng kanyang daan pauwi, maraming pangyayari ang magaganap. Marami siyang matutuklasang bagay na hindi inaasahan. Makakaya niya kayang harapin ang misyon na iniatas sa kanya? Paano kung sa kalagitnaan ng proseso, biglang sumingit si Pag-ibig? Hmm.. Kaya naman mga nilalang, bago kayo magpatuloy sa pagsilip sa paglalakbay ng ating bida, sabay-sabay nating banggitin ang mga katagang, "May the force be with you, Nurene!" Language: Tagalog/English
1
