Description
Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupayan: ang makalimutan ang nakaraang tinakasan niya. Kasabay ng pagtapak niyang muli sa lupang pinanggalingan ay ang paghabol sa kanya ng isang trahedyang sinubukan niyang limutin ngunit hindi nagawa. Bawat pagkakaktaon ay sinusugod siya ng mga alaalang matagal na dapat nabaon sa limot. At hindi ito titigil sa panggugulo hangga't hindi niya ito pinapansin at hinaharap. Lalo na at determidado itong ipaalala ang lahat ng pinakamasasaya at pinakamasasakit na parte ng nakaraan niya. Hindi na niya ito tinalikuran, hindi na siya tumakbo, hindi na siya umangal na maaaring isa na naman itong patibong upang maranasan niyang muli ang lahat ng pinagdaanan noon. Natatakot siya, oo. Ngunit buong puso niya itong sinalubong. Maraming tanong sa isip niya. Talaga nga bang maibabalik pa ang isang bagay na matagal nang nawala? Maaari nga bang ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan mula sa nakaraan? Kung oo ang mga sagot dito, nasaan na? Mararanasan pa ba niya? Ipaparamdam pa bang muli sa kanya? Nasaan na ang pag-ibig na noo'y pinag-ingatan niya?