Description
(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-social... At ang inaakala mong ordinaryong buhay mo ay bigla na lang nagbago? Ang pinakasikat na lalake sa iyong eskwelahan, na sa kabila ng kasikatan ay mahiyain at socially impaired ding gaya mo, ay bigla bigla na lang aamining mahal ka niya? At ang kaibigan mo simula sa pagkabata, na sa kabila ng hindi niyo pagkakatulad sa ugali eh napapatawa at napapangiti ka niya, ay bigla ding aamining may gusto siya sa iyo? Sino ang pipiliin mo, ang taong kapareho mo ng ugali at pananaw? O ang taong hindi mo katulad sa ugali pero napapasaya ka naman?