Description
Umuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si Fritz ay schoolmate nya at nakasama sa Supreme Student Government bilang presidente at sya nama'y bise presidente. Gusto nya si Fritz ngunit sadyang malupit ang tadhana sa kanya. Naging masalimuot at maraming pagsubok ang dumating sa buhay nya lalo na ng mahuli sila ng mga militar kasama si Rambie habang nagsasagawa sila ng medical mission sa liblib na lugar ng San Miguel. "Walang kapatawaran ang ginawa mo, dahil sayo ay muntikan na akong ma imbestigahan at mawalan ng trabaho", sigaw ng kanyang Ama. Kaya after college ay pinapapunta sya sa Amerika. Sa Amerika nya nakilala si Dean, isang Fil-Am citizen na handang damayan at mahalin sya. Sa katunayan ay nagyaya na itong pakasalan sya ngunit sa tagal ng panahon hindi nya parin na hanap ang totoong kaligayahan na inaasam-asam ng puso nya. Ano kaya ang bumabagabag sa kanyang nakaraan? (Hindi pa po ito finale sapagkat hindi ko pa na edit ang buong kwento)