Description
Paalala: di po ito horror or fantasy.. What if you have the power to change the past what will you change? Yan ang palaging naiisip ni Lyn Alonna Valerio. Kung titingnan ng iba siya ay isang perpektong tao na kinaiinggitan ng lahat. Matalino, maganda, mayaman, mabait at maimpluwensiyang mga magulang. Pero para sa kaniya ang gusto niya lang ay balikan ang kanyang pinakamamahal na ex, si Freyr Kaizer Montenegro. Sino ba namang babae ang hindi. Siya lang naman ang heartthrob sa kanilang campus. Bukod sa varsity player ng basketball at isang gold medalist sa swimming. Gwapo at matalino pa. Di rin maipagkakaila sa kanyang pangalan na isa siya sa pinakamayaman sa bansa. Kung tutuusin si Lyn at Freyr ay matuturing na perfect couple pero bakit sila nagkahiwalay? Magkakabalikan pa kaya sila? Sino ang kikidnapin at sino ang mangkikidnap? Bakit?