The Other Half
By ForeverDee
12
0
0
  • General Fiction
  • action-romance
  • amnesia
  • angel
  • betrayal
  • crown
  • friendship
  • generalfiction
  • hope
  • love
  • mission
  • power
  • reborn
  • rebound
  • revenge

Description

Si Lila, isang mabait at masunuring anak ay ibinenta ng kanyang amain nang pumanaw ang kanyang ina. Sa mapait na kapalarang sinapit sa kanyang tunay na pamilya at sa sikretong iniingatan ng kanyang bagong tahanan ay namulat siya sa madilim na katotohanan ng buhay. Sa paglipas ng mga taon ay natutunan ni Lila na magsimula ng panibagong buhay sa loob ng kanyang panibagong pamilya at...katauhan. Ang pagmamahal na pinagkait sa kanya noon ay natagpuan niya sa kanyang bagong kinikilalang pamilya. Ang kanyang masayang buhay ay mas nadagdagan pa ng kulay nang makilala niya si Prince, isang lalaking tubong siyudad na siyang nagpaibig sa kanya at kalaunan ay kanyang naging kasintahan. Sa mga panahon na iyon ay wala na siyang ibang hinihiling pa. Ngunit nagbago ang lahat ng nawalan sila ng koneksyon sa loob ng isang taon. Sa kagustuhang malaman ang kalagayan ni Prince ay nagpresinta siya na sumama sa isang misyon sa kanyang kinabibilangang samahan. Hiwaga, nakaraan, katauhan. Hanggang saan siya kaya dadalhin ng kanyang malalaman? Galit, sakit, pag-ibig. Hanggang saan kaya ang kaya niyang isakripisyo alang alang sa kanyang puso? Pagmamahal, kasawian, pagkamuhi. Hanggang saan kaya niya kayang panghawakan ang kanyang mga nararamdaman? Sa pagbalik ng kanyang muang sa mga multo ng kahapon na kanyang tinakbuhan, magagawa pa kaya niyang takasan ang kanyang kapalaran?

Author's Note

Continue Reading on Wattpad
The Other...
by ForeverDee
12
0
0
Wattpad