PORNO
By Knoxturnal
2.2K
108
72
  • Fantasy
  • contest
  • fantasy
  • political
  • romance
  • wattys2018

Description

Simula't umpisa ng buhay, nalikha't namuhay ang babae na hubad ang katawan. Obra ng tunay na kagandahan at hindi pinapalamutihan ng kasinungalingan. Punlaan ng buhay at hindi dapat gawing hanapbuhay. Sa paglipas ng panahon, nag-iba na ang konsepto ng hubad na kawatan. Ang magandang hubog, naging sagot sa kahirapan. Kinahuhumalingan ng mga taong naghahanap ng panandaliang kaligayahan. Naging malaswa na sa paningin ng iba. At nakalimutan, sa umpisa pa lang nakahubad na ang lahat ng nilalang. Si Anna Maria-inosente at maganda. Itinuring siyang parang isang prinsesa kahit sa bandang huli wala naman siyang maasahan na korona. Sa kontrata lang nakasaad ang hindi pangkaraniwang relasyon nila ni Vrejandro. Parating magkasama pero walang nag-uugnay na emosyon. Isang masakit na katotohanan ang sumambulat sa kanya na hangga't ang mga oligarkiya ang nasa tuktok at ang kagaya niya ang nasa baba sa tatsulok ng buhay. Mananatiling pain ang kanyang matitinding pangangailangan. Mananatiling pain ang naranasang kahirapan para paulit-ulit siyang gumagawa ng desisyon sa walang pagpipiliang sitwasyon. Pag-ibig na nabibili sa salapi. Pagmamahal na makasarili. Pobreng naging bulag sa katotohanan. Inosenteng sinasamba ang kasinungalingan. Mapera ang may makapangyarihan. Sa mundo na mas marami ang mapagsamantala at gahaman. Anong kapalaran ang naghihintay sa pobreng-inosente sa republika ng mga oligarkiya? Ranking #12 after one week of posting

Plot/Character

Continue Reading on Wattpad
PORNO
by Knoxturnal
2.2K
108
72
Wattpad