Description
Ang buhay ay parang isang laro... na kung saan... kahit hindi ka sumali... mapaglalaruan ka... I mean, yung tipong alam mo yung nagaganap sa paligid mo, pero, ang totoo wala kang kaalam alam sa mga nagaganap na iyon... Yung tipong para kang batang walang muwang na nasasaksihan mo yung mga nangyayari, pero, ang totoo hindi mo alam kung ano yung nangyayari... Yung nasangkot ka sa isang laro na wala kang kaalam alam na kasali ka na... Parang si Anna lang... Payapang namumuhay at maayos na nakikisama sa mga nasa paligid nya, na sa sobrang pakikisama, hindi nya namalayang kasama na pala sya sa isang laro... Isang laro na hindi basta laro... Kundi isang laro ng buhay... Na lalaruin ang lahat ng mga pangyayari at detalye sa buhay nya... Tunghayan po natin kung paano nadawit ang pangunahing tauhan natin sa isang laro...