A collection of self-written poems in Filipino (Part I), English (Part II), and a little bit of French (Part III)
Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and society.
TUGMA
"Mga TUGMAng 'di man lamang nagTUGMA"
Limbag ng mga tula mula taong dos-mil-deysi-otso (2018) hanggang sa kasalukuyan at patuloy na maghahabi ng tugmang kwentong 'di umabot sa TUGMA.
Mga tulang may tugma
Na tatatak sa isip at damdamin ng bawat isa
Hatid ko'y inspirasyon sa mga mambabasa
Kaya nais ko ang inyong suporta.
Sa aking pagtahak sa bagong bahagdan ng aking buhay
Tutulong ako sa pagpawi ng inyong mga lumbay
Sana kayo'y mabigyan ko ng bagong kulay
Ang pagsulat ko ay sa inyo iaalay.
Hindi malaman ang tema
Ngunit may tugma
Sapagkat nakadepende sa may akda
Ang mga nilalaman ng tula
Basahin at bigyan ng pansin
Ang aking mga tula na nais sambitin
Nawa'y kayo ay hindi mabitin
Sa tula kong halo halo ang damdamin
Salamat sa oras na iyong ginugol sa pagbabasa
Lumawak sana ang iyong isip sa mga bagong salita
Sana ay napangiti kita
Sa aking tula