JANe92138
Rhea Jane Dominguez - isang mabait ngunit matapang na babae. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, lalo na para sa dalawa niyang nakababatang kapatid. Siya ang tumatayong kuya at ama sa kanila. Dahil may sakit ang kanilang ina, si Rhea na mismo ang naghanapbuhay para sa pamilya.
At sa kabila ng lahat, may isang tao siyang lihim na iniibig - si Arabella Faye Arriaga Monteverde.
Isang araw, biglang lumala ang karamdaman ng ina ni Rhea. Wala silang pambili ng gamot, kaya napilitan siyang lumapit sa pamilya Monteverde. Binigyan siya ng trabaho - maging personal maid ng anak ng pamilya, si Arabella.
Hindi siya nagdalawang-isip tanggapin iyon; bukod sa kailangan niya ng pera, iyon na rin ang pagkakataon niyang makalapit sa babaeng matagal na niyang minamahal.