Chibiilemon17
"Sa lugar kung saan titimbangin mo ang sarili mo kung ikaw ba yung magmamahal o ikaw ba yung mamahalin.
Kumapit ako kahit anong lakas ng alon. Hindi ko magawang bitawan ka kahit nasisilam na ang mga mata.
Kasing hapdi ng bawat gabing lumipas, na ang pagluha ay inaabot ng bukas.
Tinatangay ka ng alon, pilit ka nitong inilalayo sa akin, na tila ba tadhana mismo ang nagdedesisyon, na hindi talaga ako ang para sa'yo, Pero napakatigas ng ulo ko.
Umabot na ako ng ilang panahon. Lumipas na ang buwan at taon, sa pagkakataon kung saan walang kahit na ano ang sigurado, sa'yo padin Inilugar ang sarili ko. Naging bakante ako dahil alam ko, alam kong kailangan mo." -leal.