gelinaxxytada
Love.
Pain.
Hurt.
Let go.
MOVE ON.
Apat na taon na simula ng gumunaw ang mundo ko. Yung mundong dati naming ginagalawan. Yung mundo na dating ginawa ko para saming dalawa,winasak nya.
Oo,apat na taon na ang nakakalipas pero nasasaktan pa din ako. Nasasaktan pa din ako tuwing naalala ko yung dati. Nasasaktan ako tuwing naalala ko sya. Nasasaktan pa din ako tuwing naalala ko yung dating KAMI.
Saksi ang kalawakan,saksi ang mga bituin. Saksi ang kapaligiran sa unti-unting labuan. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bat ako nasaktan dahil Una sa lahat,tinaya ko ang buhay ko para magmahal. Tinaya ko ang sarili ko kahit alam kong sa huli,masasaktan lang din ako. Pero nagsakripisyo ako,hindi dahil sa ito ang dapat gawin. Pero dahil gusto ko din bigyan ng oras ang sarili kong maging masaya.
Sa bawat litratong cinapture ko,sa bawat litratong inipon ko at sa bawat litratong tinago ko, masasabi ko sa sarili ko na,ang saya pala natin dati. Ang saya pala natin nung ako at ikaw,nagmamahalan pa. Pero kahit anong gawin ko,Hindi na pwedeng maibalik pa-
ANG DATING TAYO.