solstice_heart
Magkabata sina Kaesha at Reyansh-magkasabay sa tawanan, asaran, at sa lahat ng simpleng ligaya ng pagkabata. Habang lumalaki, mas tumitibay ang kanilang samahan at nagiging sandigan nila ang isa't isa sa gitna ng mga personal na pagsubok.
Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti nilang natutuklasan na kahit ang taong pinakakilala mo ay maaaring magbago. May mga damdaming pinipiling itago, mga problemang kinakaharap nang mag-isa, at mga katahimikang hindi naipapaliwanag.
Habang patuloy silang humaharap sa kani-kanilang laban, nasusubok ang kanilang pagkakaibigan. Unti-unti nilang nararamdaman na hindi lahat ng sabay ay mananatiling sabay, at darating ang pagkakataong ang taong pinakamalapit sa puso mo ang siya ring nagiging pinakamalayo.
Sa huli, kakailanganin nilang harapin ang katotohanan-pipiliin ba nilang ipaglaban ang samahan nila, o tatanggapin na may mga taong dumarating lang sa buhay para turuan kang bumitaw?