LazyEmii
Estrella Ysabel Monteverde
Tahimik ang paligid-maliban sa mahinang ugong ng mga kuliglig at sa pagaspas ng dahon. Ngunit nang halos marating na niya ang hardin, may biglang boses na tumawag sa kaniya... isang pangalan.
"Aurelia?"
Napatigil si Estrella. Hindi iyon ang pangalan niya.
Dahan-dahan siyang lumingon-at halos mawalan siya ng hininga.
Sa liwanag ng buwan, may isang matandang babaeng nakatayo ilang hakbang mula sa kaniya. Maliwanag ang mukha nito, tila kumikinang sa manipis na sinag. Nakasuot ito ng baro't saya, ang tela ay tila lumang-luma ngunit napaka-elegante. At ang mga mata nito-malumanay ngunit puno ng lungkot-ay nakatingin direkta sa kaniya.
"Hindi... hindi po ako si Aurelia," mahina niyang sagot, halos hindi niya marinig ang sariling boses. "Ako po si Estrella."
Ngumiti ang babae, isang ngiting may pamilyar na init.
"Alam ko," mahinahon nitong tugon. "Kaya nga kita hinihintay."
Nanlamig ang buong katawan ni Estrella, hindi malaman kung tatakbo o lalapit.
"Sino... sino po kayo?" nanginginig niyang tanong.
"Ikaw ang may hawak ng Talasarili ng aking kapatid " sagot ng babae, marahang lumapit.
Huminga nang malalim si Estrella, pinipigilan ang panginginig ng tuhod.
Ngumiti muli ang babae-malungkot, makapangyarihan, at parang hinahaplos ang nakaraan.
"Simula ngayon... Ikaw ang magpapatuloy nito..."
This is a work of fiction, Name, Characters, business, places, event and incident are either the product of the author's imagination or used in a fictions manner.
Any resemblance to stories, actual person, actual event is purely coincidental.
( Credit to the rightful owner of the picture I used.)