Suportahan ang mga manunulat na lumilikha ng mga kuwentong mahal mo.

Test Image

Ang Wattpad Paid Stories ay ang aming tugon sa mga mambabasa na gustong magbigay-suporta sa mga manunulat na kanilang minamahal. Ang mga manunulat ay maaari na ngayong kumita galing sa kanilang mga akda sa Wattpad mula sa mga mambabasa na pinahahalagahan ito.

Labis ang pagsuporta ng komunidad ng Wattpad sa mga kuwento at mga manunulat na gumawa ng mga ito.

Why Portal 1

Mula sa unang pagkakataon na natagpuan ng isang manunulat ang kanilang tinig hanggang sa naibahagi nila ang kanilang huling kabanata, naroon ang ating komunidad.

Ang Paid Stories ay nagmula sa kagustuhan ng mga mambabasa na makapagbigay pabalik sa kanilang mga paboritong manunulat.

Why Portal 1
Why Portal 2
Why Portal 2

Habang ang karamihan sa milyon-milyong mga kuwento sa Wattpad ay nananatiling libre, may ilang napili na upang maging eksklusibong bahagi ng isang bagong programa. Mula sa suporta ng kanilang mga mambabasa, ang mga manunulat sa Wattpad ay maaari nang gumugol ng mas maraming oras sa paggawa ng mas marami pang mundo.

Paano i-unlock ang Paid Stories

Paano bumili ng Coins

Kailangan mo ng Coins upang makapagbasa ng Paid Stories. Madali lamang makabili ng Coins sa pamamagitan ng iyong Apple o Google Play account. Upang makabili ng Coins, buksan ang iyong Wattpad app gamit ang iyong mobile device. I-tap ang wallet sa iyong profile upang makita ang iyong current balance, at mag-load sa iyong account.

Upang makabili ng Coins, pumili ng Coin package. Upang makapagbasa ng ilang kabanata, piliin ang mas maliit na package, o mas makatipid para sa mga mas mahahabang kuwento sa pamamagitan ng pagbili ng mas malaking packages.

Sa oras na makapili ka na ng package, ilagay ang iyong App Store o Play Store password, at ang iyong binili ay sisingilin sa iyong account. Ang iyong Coin balance ay awtomatikong maa-update saan mo man ginagamit ang Wattpad.

Mayroong dalawang paraan na maaari mong gawin upang sumuporta sa iyong mga paboritong manunulat na may Paid Stories

Isang kabanata sa isang pagkakataon

I-unlock ang bawat kabanata kung handa ka na. I-click lamang ang [I-unlock ang susunod na bahagi] button upang makapag-redeem ng Coins, at makapagpatuloy sa pagbabasa.

Isang buong kwento sa isang pagkakataon

Ayaw mo bang mag-redeem ng Coins sa bawat kabanata? I-redeem ito nang isang bagsakan upang mabasa ang buong kuwento. Ikatutuwa mo ang tuloy-tuloy na pagbabasa at ang discount na makukuha mo kaysa sa pag-a-unlock ng bawat kabanata!

Bilhin ang isang buong kuwento sa pamamagitan ng pagpili ng [I-unlock ang buong kuwento] option. Ang Coins ay mababawas sa iyong wallet, at magkakaroon ka ng instant access sa buong kuwento.

Paid Stories

Wattpadders know a hit when they see it. Noon, ang mga editorial expert ay nakikipagtulungan sa mga manunulat upang bigyang-buhay ang mga karakter mula sa Wattpad gems hanggang silver screen at TV, at tumulong na makuha ang mga kwentong sinuportahan ng maraming mambabasa para sa mga Wattpad publishing deals at maging best-seller.

Ang Paid Stories ay isang bagong paraan upang maipagpatuloy ng mga Wattpadder ang kanilang labis na pagsuporta direkta sa Wattpad.